Cavite Central KKTK Copy of Musical Lyrics

This site is made for the benefit of those who want to know the song lyrics of some of the Musical Compositions in our Church... Hope this would give a big help... ssD

Monday, October 16, 2006

Awit ng Buong Kapatiran Sept. 19-20, 2006

Ang pupurihin at pararangalan
Ang Dios ay iibigin at paglilingkuran
Magpakailanman aawitan…
Heto na pinakahihintay
Pag-aalay sa Iyo
Pagpapasalamat sa pag-ibig Mo
Di maglalaho
Pagka’t Ika’y aliw sa tuwing nalulumbay
Ligaya na ng puso
Sami’y nag-iingat
Sa pagikot ng kay gulong mundo

Refrain
Nagpapasalamat
Salamat sa lahat lahat
Pupurihin Ka, purihin Ka
Hanggang wakes

Chorus
Pagpapasalamat
Tanging alay sa’Yo
Pagpapasalamat
Sana’y pagdamutan Mo
Sa kaitaasa’y tanggapin
Handog, awit marapatin

Kapighatiang dinaranas sa buhay
Ay di makahahadlang
Dahil ang sandigan
Ay ang aral Mo’t katwiran, katotohanan

Repeat Refrain & Chorus

Sigaw ng damdamin Iyong dinggin
Sa kalangitan Ika’y makapiling…

INTRO NEW SONG

Nagagalak ang puso
May pananalig sa Iyo
Sa isip, diwa, ikaw ang nagpupuno
Mga hiwaga’t turo
Lahat nanggagaling sa’Yo
Panlaban sa tuwing mayrong gumugulo

Refrain
Kahit kami ay usigin
Libong dusa man ang dumating
Sa awa Mo’y kakayanin
Tagumpay ay kakamtin…

Chorus
Ama salamat
Tanging maiaalay
Salamat, Ika’y laging gumagabay
Salamat, at Ikaw ang aming Panginoon
Salamat at Iyong hinirang

Katwiran na kay lalim
Isang liwanag sa dilim
Samin ay kayamanang hindi maihahambing
Ang himig at dalangin
Sana kami’y Iyong dinggin
Sa paraiso Ikaw ay makapiling

(Repeat Refrain & Chorus) 2x
(Repeat Chorus)

Awit ng Luzon Region Sept. 19-20, 2006

Magpugay tayo kapatid at kaibigan
Mag-alay ng buong kagalakan
Simulang umawit at magsaya
Magalak pagkat tayo’y tinawag Niya

II
Ngayon ay araw ng pagdiriwang
Naghahandog sa Dios sa ati’y may lalang
Nananabik ang buong kalooban
Sa pagluwalhati sa Kaitaasan

Refrain
Sumasabay sa bawa’t panahon
Ang pag-ibig Mo
Kapayapaan at katuwiran
Ay naguumapaw sa puso’t isipan
Nahahanda aming kaliitan
Na awitan Ka’t pasalamatan
Sa bawat araw na kaligtasan
Pupurihin Ka
Oh purihin Ka

Chorus
Amang dakila salamat at,
Hinirang Mo’t kinaawaan
Amang dakila salamat at,
Inililigtas Mo sa mga kasamaan
Sa piling Mo’y walang kapantay
Lumiliwanag ang buhay
Kahit may pighating nadarama

III
Kapit bisig iisang himig
Mula sa puso’y isigaw sa buong daigdig
Tunay na aral hinding hindi madadaig
Ng sinomang di kapanalig

(Repeat Refrain & Chorus)

Bridge
At sa pagdaloy ng buhay
Nagkukulang, sumasablay
Ngunit may pag-asang nakaantabay
Minimithing tagumpay

(Repeat Stanza I & Chorus 2x)

Salamat Ama
Oh purihin Ka

Purihin Ka 4x
(Purihin Ka)

Pagpapasalamat Tanging Alay

CHORUS
Pagpapasalamat tanging alay sa’Yo
Sa’Yong pag-iingat sa kabutihan Mo
* Kung kaya’t kami’y naririto nagpupuri sa’Yo
Pasalamat nami’y pagdamutan Mo
Salamat, salamat sa’Yo, Panginoon
Ikaw ang tanggulan namin
Wagas ang pag-ibig Mo sa ‘ming kaliitan
At dakila ang pangalan Mo
Kabutihan Mo’y walang hanggan

I.
Ngayon kami’y naririto umaawit sa’Yo
Ikaw lang ang pasasalamatan
Ikaw ang aming awit, Ikaw Panginoon
At Ikaw ang aming himig marapat kang parangalan

REFRAIN
Pagkat Ikaw ang pinagmulan
Ng lakas at kabuhayan
Kaya’t saYo’y ilalaan aming buhay
(REPEAT CHORUS)

II.
Mulit-muling naririto umaawit sa’Yo
Lakas ay aming iaalay
Habang kami’y nabubuhay hanggang kawakasan
Sa’Yo lamang ilalaan pagpupuri’t luwalhati
(REPEAT REFRAIN)
(REPEAT CHORUS)

BRIDGE
H’wag sanang mawalay pa sa’Yo
Aming Ama, hanggang sa paraiso
Aawitan Ka, aawitan Ka
(REPEAT CHORUS)
(REPEAT *)

CODA
Pagpapasalamat tanging alay sa’Yo

O Kabataan

O kabataan halina kayo
Magsama-sama tayo isigaw sa mundo,
HEY!


I
Maaari ba na talikuran
Ng kabataan ang kalayawan
Maaari ba na matutunan
Banal na kasulatan at maingatan
Maaari ba na masumpungan
Dakilang pag-ibig na tanging yaman
Maaari ba na magampanan
Tunay na katungkulan ng sangkatauhan


Refrain
Naririto nahahanda ang aming lahi
May iisang diwa at minimithi
Sa Maykapal nagpupuri ang mga labi
Sa kabila ng hirap, dusa’t pighati


Chorus
Tuloy ang laban kapatid
Oh Kabataan
Tumindig at manindigan
Magkapitbisig kapatid
Abutin ang kasakdalan
Tungo sa kalangitan
Ohh…


II
Kay palad Bayan ng Katotohanan
Pinagmumulan aral at katwiran
Lilisanin ba tahanan ng pag-asa
Kahit saan man magpunta
Wala nang hihigit pa
Walang katulad na iba


Kabataan Tungo sa kasakdalan (4x)


(Repeat Chorus 2x)


Kabataan Tungo sa Kasakdalan (6x)

Thank You

I
Everyday in walking your way
There so many times
that we suffer pain
But deep in our hearts
We’re still glad, coz we know,
We are part
of the sorrow of Christ

Refrain
Even if we feel,
Enemies persecution
Will keep on fighting
Go on and on
We will be strong and never fall
Together we stand
on your side Oh Lord

Chorus
You’re the strength,
You’re the hope
And You are the guide
In the time of darkness
You are light
No matter what trials may come
We’ll not be afraid
Coz you are our God
Thank You for the love
that you gave
Thank You for giving us grace
Thank You Oh Lord.

II
Hope in our hearts,
We’ll never be lost
Flaming faith and love that,
You have thought
We’ll never change
nor back-out and stop
Coz we know,
You promise eternal life.

(Repeat Refrain and Chorus)

Bridge
Until the last moment
of our lives
We’ll keep on serving
in your name
Until the end of time…
Till the end of time…

(Repeat Chorus)

Thank You…

Umaraw Man o Umulan

Pasalamat ng Cavite Central District
Members, Officers, Music Ministry,
KNC, KNC Workers and Parents

May 27, 2006

Minsan pa’y muling nagkasama-sama
Umaawit sa’Yo Ama
Nagagalak ang puso na iyong binihag
Salamat at ika’y nahabag

Refrain:
At aming nararamdaman
Ang Iyong pagmamahal
Dumadaloy sa’ming damdamin
Ang pag-ibig Mong taglay

Chorus:
Umaraw man o umulan
Parati kang naririyan
Umagos man ang luha hindi mangangamba
At sa pakikilaban,,ikaw ang aming tanggulan
Gabay ka namin hanggang sa magtagumpay
Sana’y magtagumpay kaming kapatiran

Hatid sa’Yoy papuri na walang hanggan
Sa Iyong mga kabutihan
Ikaw ang naghahari sa aming isipan
Palagi kang paglilingkuran

Repeat Refrain and Chorus
A-le-lu-yah (4x)
Repeat Refrain and
Chorus except last 2 words
Kaming… (3x) Kapatiran.

Pag-asa

Marahil nga’y kay sarap maidlip
At di na magising
Lalo’t sanlaksa ang hirap
At sakit sa dibdib
Marahil nga’y kay sarap
Panawan ng bait
Kahit na sandali
Namamnhid ang puso
Sa hapdi at kirot
Dulot ng sari-saring isipin

Oohh… Oohh…

Boys
Ang luha ay di na mapatid
At ang bukas ay tila isa na naming
Nakahahapo at mabigat na pasanin…

Refrain
Ngunit may sumpang binitiwan
Na di ko kailanman ninasang talikuran
Batis ko ang magbata
Ang magtiis ay di maiiwasan
Upang ang pangako mo’y aking makamtan

Chorus
Kaya’t pagka’t tuwing tila
Umaandap na ang pag-asa
Sa malawak mong langit
Yaring ulo’y itinitingala
Alam kong nahahabag
At lilingap ka Ama
Habang sa tuwina’y nangangalong
At may pagtitiwala
Sa Iyo…

II
Marahil nga’y ang lahat
Ng itao’y ating babaunin
Ng marating ang langit mong tahanan
Na paraisong pinapangarap

Boys
Pagkat nais kong masilayan
Makapiling ka sa ligayang wagas
At ang hapis ay isa na lang nakalipas

Repeat Refrain & Chorus

Bridge
Bawat pagluha ay aariing yaman
Bawat pait , saklap ay aariing tamis
Bawat alimura ay aariing puri
Bawat dusa’y yayakapin at ipagpapasalamat

Ikaw ang tanging nalalabing… Pag-asa

Magpakailanman Aawitan

Panginoon salamat sa Iyo
Sa kabutihan mong dakila
Saming mga lingcod Mo
Tanging sa Iyo ang alay na ito
Papuri, luwalhati sa pangalan Mo
*Salamat po, aming Panginoon
Naririto kami umaawit
Sa kaurihan Mo
Mananatili kami sa paglingap Mo
Oh tanggapin ang nakayanan ng aming puso

Refrain
Pagkat marapat
Panginoon Ikay alayan parangalan
Pagka’t buhay naming, lakas naming
Sampu na ng tangkilik naming
Sa Iyo nanggaling

Chorus
Magpakailanman Ika’y aawitan
Ng papuri at luwalhati
Sayo Panginoon
Kagandahang loob mo
Ay walang hanggan
Kay buti Mo
Oh Amang banal magpakailanman

*Di kalilimutan mabuting bagay
Ang magpasalamat sa Iyo Oh Panginoon
At umawit ng mga pagpuri
Sa yong pangalan Oh kataastasan

Repeat Refrain
Repeat Chorus

Hiling naming aming Dios
Samahan mo kami
Tulungan mo kami
Patnubayan mo kami
Sa aming tungkulin

Repeat Chorus

Salamat po nang walang hanggan
Karangalan ay sa’yo
Aming Panginoon
Magpakailanman…

Amen…

AWIT NG CDC 2002 Cavite-Rizal Choir Competition (Aug 14, 2006)

Sa mundo, maraming umaawit
Ng mga awitin na wala namnag saysay
Bakit ba, di nila nauunawa
Ang pag-ibig sa sanlibuta’y nawawala
Himig mo Ama, di nila naririnig
Pagka’t kanilang nilimot ang iyong salita

Himig mo, ang nagbibigay buhay
Sa awitin naming sa Iyo’y inaalay
Kaming mga, mang-aawit na tinawag Mo
Naghahandog sa’Yo ng awit at musika
Para sa Iyo ang awitin na ito
Sana’y kalugdan Mo at marapatin Mo

1st Chorus
Ikaw ang aming musika
Bawat pintig ng puso naming at hininga
Sayo alay naming Ama
Kami’y nahahanda, na makipagbaka
Tanging sandigan naming at kalakasan
Ikaw ang awit naming, Ikaw lamang magpakailanman

Kahit na, maranasan ang hirap
Ang mga pagsubok, pag-uusig at pagbabata
Kailanman ang pag-ibig na alay
Ay hindi mawawalay sapuso at isipan
Narito kami, nag-aalay ng awitin
Handang ipaglaban ang tungkulin

Repeat First Chorus
Natuto kaming umawit sa Iyo
Amang banal dahil sa lahat ng kabutihan Mo
Dating walang kulay ang buhay sa mundo
Ang awit naming ay walang saysay sa buhay na ito…
Di man kami karapat-dapat sa kahabagan
Subalit ibinilang Mo sa Bayan mong banal

2nd Chorus
*Salamat Amang banal
*Kami ay await sa’Yo Hanggang wakes
Di lilimutin ang Iyong pagmamahal
Ngayon, bukas at kailanman

Salamat Amang banal
Aming pagpupuri ay alay sa Iyo
*Mananatili kami sa paglilingkod sa Iyo
*Salamat po, salamat po

Bridge
Ang awit naming
Ay iyong dinggin
Laman ng puso at panalangin
Samahan mo kami sa tuwina
Ikaw ang tangi naming pag-asa

Repeat 2nd Chorus Finale All *

Iglesia ng Dios

Ahh… ahhh…

Ang buhay natin dito sa mundo
Mayrong hirap mayrong lungkot
Pinipighati, dinuduro-duro
Ng maraming mga tao

Hindi nila alam, na may kabayaran
Ang kanilang mga ginagawa
Pagka’t kailan pamay
Laging nananaig
Ang Bayan Ny’ay nagtatagumpay…

Chorus
Ang Iglesia ng Dios
Kailanma’y hindi
Magagapi ng kalaban
Pagkat kasama ang Dios
Sa lahat ng kanyang mga pakikipag-laban
Sa lahat ng masama
Sa Dios lamang ang papuri’t pasalamat

Ahh… Ahh…

Tayo’y inaapi, tayo’y dinadala
Sa mga hukuman ng tao
Pilit pinipigil ating paghahayag
Ng mga katwiran ng Dios

Ahhh… Ahhh… Nagtatagumpay…

Repeat Chorus

Bridge
Kaya ng tayo’y maghain ng pasalamat
Ang buong Bayan

Repeat Chorus

Ang papuri at pasalamat
Ang papuri pasalamat
Sa Dios na lamang

Amen…

Mula Noon Hanggang Ngayon

Kailan lang ng tayo ay nagsama-sama
Sariwain natin, balikan ang una
Di ba’t noon bawat saglit anong saya
May galak sa pusong kumakanta

Naaalala mo pa ba ang dati mong sigla
Maligaya ka sa kabila ng luha
Kahit anong hirap iyong binabata
Magkakasama nating sinasalunga

Refrain I
Ngunit ngayon lumipas ang maraming panahon
Nasaan ang dati mong lakas
Nilimot mo na ba ang ating kahapon

Ngayo’y naririto kami’t naghihintay
Buhayin natin dating lakas at sigla
Wag kang malulungkot
Wag kang malulumbay
Lumapit ka at may pag-asa pa

Refrain II
Talagang ganyan kasama na sa ating paggawa
Minsa’y lumuluha, minsa’y nadarapa
Basta’t manalig ka
Minamahal ka niya

Chorus
Mula noon hanggang ngayon
Buhay sa aming alaala
Mula noon hanggang ngayon
Hinsi malilimutan
Mula noon hanggang ngayon
Na tayo’y nagkasama-sama
Mula noon hanggang ngayon
Mula noon hanggang ngayon

Maraming bagay ang nakita’t naranasan
Nagkasama sa hirap at ligaya
Pangako na magtatapat sa katungkulan
Paninindigan ating panghawakan

Refrain III
Muling balikan mga araw na ating sinimulan
Paglilingkod natin sa Maylalang
Pangako natin na lagging aawitan

Repeat Chorus
Modulation
Mula noon hanggang ngayon
Taglay parin sa puso’t diwa
Mula noon hanggang ngayon
Pangarap at pag-asa
Mula noon hanggang ngayon
Sa puso ay may awit sa Ama
Mula noon hanggang ngayon 2x
Mula noon hanggang ngayon…

Salamat Po

Aming nadarama, pag-ibig mo Ama
Sa tuwi-tuwina
Kahit nagkukulang ika’y lagging sapat sa’yong mga anak
Ang tanging dahilan ng aming awitan
Dahil sa’Yong aral
Bawat butyl ng katwiran aming naunawaan
Ikaw ang dahilan

Chorus
Salamat po Panginoon na may likha
Nitong buhay at ng sandaigdigan
Salamat po Dios sa aming ibinigay
Minimithi, hiwaga naming taglay

Aming pakiusap tulungan mo kaming makapagtagumpay
Sa tindi ng sakit at tukso sa mundo nitong sanlibutan
Hawakan mo Ama aming mga buhay puso’t kaluluwa
Langit na pinapangarap
Paraisong kay ganda, kayliga-ligaya

Repeat Chorus

Bridge
Nais ko sa piling mo
Ligaya koy paraiso Mo
Ito ang tanging samo sa’Yo Ohhh…

Langit mong anong ganda
Pinapangarap sa tuwina
Sana’y huwag ng mawalay pa…

Repeat Chorus

Kabataan 2000

Oh aming Ama kami ay nagagalak na tunay
Pagka’t binago, binigyang kulay ang aming buhay
Inalis mo sa sanlibutan
Ang madlang kalayawan
At binago kaming lubusan

Dating pagkatao’y nilinis mo ng iyong katwiran
Nilimot Mo at nilinis mo ang madlang kasalanan
Kaya’t umaawit sa’Yo ng papuring alay
At walang hanggang pag-ibig na tunay

Chorus
Oh anong ligaya ng aming mga puso
Pagkat ito ang araw ng pag-aalay sa’Yo
Ipagdiriwang ng kabataan Pasalamat na handog
Pasalamat naming ala’y sa’Yo

Kami’y nangangakong maglilingkod hanggang kawakasan
Lakas at buhay at ang kaalaman sa’Iyo ilalaan
Pakakasangkapan sa’Yo ng walang alinlangan
Hanggang sa sapitin ang walang hanggan

Repeat Chorus

Bridge
Sana sa piling mo ay huwag mawalay
Suma Iyo na magpakailanpaman
Ah…

Repeat Chorus

Coda
Kabataan naming 3x
Alay sa’Yo…Alay sa’Yo

Itanong Mo Kay Soriano

Mayron ka bang ibig ba malaman
Mga gumugulo sa’yong isipanNaghahanap ka ba ng kasagutan
Sa tanong na tila sa iyo’y palaisipan

Chorus
‘Yong itanong, yong itanong
‘Yong itanong, ‘yong itanong
Tanong mo’y didinggin
Kasagutan ay kakamtin
Itanong mo…

Mayron ka bang nais na alamin
Mga kaalamang totoong malalalim
Ibig mo ba na itoy suriin
Isa lamang ang dapat na iyong gawin

Repeat Chorus

Mayron ka bang mga suliranin
Sa aral ng Dios na kaligtasan natin
Ito ay dapat na Iyong usisain
Mga alinlangan mo ay papawiin

Repeat Chorus

Mayron ka bang ibig na marinig
Karunungang iba sa iyong pandinig
Ngunit totoong nakasulat at nakasalig
Sa biblia’y babasahin
Sa puso mo’y iukit

Repeat Chorus

Mayron ka bang mga katanungan
Si masagot ng pastor na bulaan
Ito ay malalaman mo’t mauunawaan
Wala kang gagawin
Kung hindi Itanong mo lamang

Unang Pag-ibig

Bakit dati ikaw ay lagging masigla
Ang hirap ay di mo inaalintana
Hindi pinapansin mga pangungutya
Sa puso’y may galak kahit lumuluha

Bakit ngayon, tila ikaw ay nagbago
Ningning sayong mata’y biglang naglaho
Nilimot mo na ba ang iyong pangako
Mayron na bang ibang mahal ang iyong puso

Ah… Ah…

Chorus Bumangon ka at iyong muling balikan
Masasayang araw na sayo’y nagdaan
Alalahanin kung saan ka nagkulang
Ang unang pag-ibig, hueag mong iiwanan

Bakit sasayangin mo ang iyong buhay
Pag-asang nasa’yo bat pababayaan
Bakit pag-ibig mo ay tatalikuran
Ng dahil sa layaw at tawag ng laman…

Repeat Chorus

Tapat na Mangangaral

Dati ang buhay ay walang sasay
Di alam ang patutunguhan
Puso’y lugmok sa mga kalayawan
Sa salang luminlang sa buhay
Ooh… Ooh… Ooh…

Isip naming ay naliwanagan
Dahil sa lalaking matapat

Chorus
Salamat sa Iyo Amang banal
Dahil sa tapat na mangangaral
Inalay ang kanyang buhay at kaligayahan
Sa’yong Iglesia sa silanganan
Salamat sa Iyo Amang banal
Sa bawat butyl ng aral mong bigay
At sa sugo mong bigay saming mga hirang
Na samin ay umibig ng wagas

Nag-alay ng buhay sa tungkulin
Dunong Nyat kalakasan tangkilik
Kaligayahang pansarili’y di pansin
Dahil sa pag-akay sa amin…

Repeat Chorus

Bridge
Tanging bayad naming sa’Yo
Maglingkod ng tunay sa ngalan mo
Patnubayan lang ang Bayan Mo… Ooh…

Repeat Chorus

Modulation

Awit ng Pagpapasalamat

I
Ikay aalayan ng pasasalamat
Kami’y magdiriwang
Aawit ang lahat
Magpupuring walang hanggan
Tanging sa banal mong pangalan
Hanggang wakes nitong buhay

II.
Hindi lilimutin magpakailanpaman
Ang Iyong kabutihan sami’y walang hanggan
Iibigin naming wagas
Ang pagmamahal di kukupas
Hanggang langit na ‘Yong Bayan

Chorus
Maligayang umaawit itong kapatiran
Buong siglang nagpupugay sa katotohanan
Sa Iyo ang lahat ng karangalan at kapurihan
Oh Amang banal…

III.
Sa paraiso mong anong sakdal inam
Ang kalungkutan ganap na naparam
Doon ay walang kamatayan
Lahat ng hirap lulunasan
Ligaya’y di magwawakas…

Repeat Chorus

Monday, July 11, 2005

Pasasalamatan


Chorus

Pasasalamatan namin na walang hanggan
Pupurihin namin ang dakila Mong ngalan
Ihahayag namin ang Iyong kadakilaan
Hanggang wakas ng buhay pasasalamatan

Papuring awit ay aalayan ka Ama
Buong kagalakan kami'y sumasamba
Ihahandog sa Iyo, ingay ng kagalakan
Ihahayag namin ang Iyong kabutihan

(Repeat Chorus)

Sa bawat oras maglilingkod sa'Yo Ama
Lahat ng saglit ay papupurihan Ka
Hindi sapat ibayad ang buhay at kalakasan
Tanging handog sa Iyo ay pasalamatan

(Repeat Chorus)

Coda
Walang hanggan...
Amen...

Awit ng MMC


Kapag nalulungkot at nag-iisa
Hanap-hanap namin ang pagkanta
Kapag puso'y natitigib ng pangamba
Ito'y napapawi ng awit sa Kanya

Kaya't ibig naming samasama
Sa pag-awit sa ting Dios Ama
Malayo, malapit saan man magpunta
Awit ng pagpuri lagi naming dala

Chorus #1
Ang aming ligaya ay pagluwalhati
Tinig namin ang munting bahagi
Hanggang sa pagtanda, hanggang buhok ay pumuti
Kami ay aawit ng may ngiti

Hindi baleng kami'y walang pera
Basta't mayron lang sanang gitara
Gutom nami'y idadaan sa pagkanta
Hanggang kalangitan magkakasama

At kung kayo ay mayrong problema
Ay huwag mawawalan ng pag-asa
Itong aming awit may katwirang dala
Inyong unawait ito'y mahalaga

Chorus #2
Kapatid di dapat na ikaw ay manghina
Buhay mo ay gamitin ng tama
Sa aral ng Ama manatiling tumalima
Papawiin Niya ang 'yong luha

Chorus #3
Halina sa ami'y sumabay sa pagkanta
Pwede na kahit akapela
Lungkot mawawala basta't huwag kang mahihiya
Umawit sa Amang darakila

(Repeat Chorus #1)

Coda
Lungkot mawawala basta't huwag kang mahihiya
Umawit sa Amang darakila

Pag-awit sa Ama aming ligaya!

Tayo Na


Chorus

Tayo na’t sama samang mag-awitan
Isigaw natin Kanyang kadakilaan
Pagka’t walang hanggan
Ang Kanyang kabutihan
Marapat lamang natin Siyang papurihan

Tayo nang magpuri at magpasalamat
Sama-samang tinig na nagagalak
Huwag natin limutin
Mag-alay ng awitin
Sa ating Amang mahabagin

(Repeat Chorus)

Tayo nang magpuri at magpasalamat
Sama-samang tinig na nagagalak
Huwag nating limutin
Mag-alay ng awitin
Sa ating Amang mahabagin

(Repeat Chorus)

Maging ang hirap ay hindi alintana
Pag-asa sa puso’y hindi mawawala…
Pagka’t Ika’y kasama pagka’t Ika’y kasama
Lahat magagawa
Kakamtin ang ‘Yong pagpapala…

(Repeat Chorus)

Pap-para-papa

(Repeat Chorus 2x)

Papurihan (8x)

Ligaya ng Puso


Chorus
Ligaya ng puso ang ika’y awitan
Purihin at sambahin ang iyong pangalan
Tinig ay iaalay sayo Amang aming mahal
Hanggang sa walang hanggan

Naritong muli nagpapasalamat
Kaming alibughang iyong tinawag…
Himig ng papuri aming aawitin
Ihahandog sa Iyo Amang giliw
Mayroong ngiti sa aming mga labi
Kahit nagtitiis ng pighati
Nadaramang hirap ay dagling napapawi
Sa Dios Ama ay luluwalhati…

(Repeat Chorus)
Mayroong ngiti sa aming mga labi
Kahit nagtitiis ng pighati
Nadaramang hirap ay dagling napapawi
Sa Dios Ama ay luluwalhati

(Repeat Chorus 2x)
hanggang sa walang hanggan
Sa walang hanggan!

Ligaya ng puso ang ika’y awitan
Purihin at sambahin ang iyong pangalan
Tinig ay iaalay sayo Amang aming mahal
Hanggang sa walang hanggan

Naritong muli nagpapasalamat
Kaming alibughang iyong tinawag…
Himig ng papuri aming aawitin
Ihahandog sa Iyo Amang giliw
Mayroong ngiti sa aming mga labi
Kahit nagtitiis ng pighati

Nadaramang hirap ay dagling napapawi
Sa Dios Ama ay luluwalhati…

(Repeat Chorus)

Mayroong ngiti sa aming mga labi
Kahit nagtitiis ng pighati
Nadaramang hirap ay dagling napapawi
Sa Dios Ama ay luluwalhati

(Repeat Chorus 2x)

hanggang sa walang hanggan
Sa walang hanggan!

Pagpapasalamat Sa'Yo


La la la la…

Kami ay nagdiriwang at nag-aalay
Ng Pasasalamat Sa’yo
Oh Dios Ama
Tanging nakayanan ng kapatiran
Sana ay ibilang na kabanalan
Maraming salamat Panginoon
Sayong pagmamahal at patuloy kang parangalan
Oh Dios Ama na dakila…

Chorus
Alay namin iyong pagdamutan
Pagpapasalamat sa’Yo
Alay namin nawa’y tanggapin
Pagpapasalamat sa’Yo
Aming Ama…

La la la… La la la…

Labis ng kagalakan ng kalooban
Ng aming malaman ang kaligtasan
Ang iyong katwiran ay kayamanan
Aming iingatan magpakailanman
Maraming salamat Panginoon
Sayong pagmamahal at patuloy kang parangalan
Oh Dios Ama… na dakila…

(Repeat Chorus)

Dakila Purihin ka…

(Repeat Chorus 3x)

La la la…

Maraming Salamat
(Ohhh…)
Maraming Salamat
(Oh hu…)
Maraming Salamat
(Ohhh…)

Maraming Salamat
sa’Yo Oh Dios
Ama

Walang Hanggang Awit


Intro

Salamat sa Panginoon sa kabutihan Mo
Sa mga pagliligtas at pag-iingat Mo
Lagi kang karamay sa saya at kalungkutan
Kaya naman sana’y tanggapin ang aming nakayanan

Pag-asa kang tunay sa’ming mga buhay
Dakila mong awa sami’y ibinigay
Kaloob mong tungkulin aming iingatan
Pupurihin ka hanggang sa baying banal

Pa-pa-rap-pa-pap…

Chorus
Walang hanggang awit ang alay sa’Yo
Di matapos na papuri mula sa aming puso
Pagkat ikaw ang aming buhay
Ang buhay… na walang hanggang

Salamat po sa pag-ibig aming Panginoon
Laging nadarama sa bawat pagkakataon
Hiling naming sa Iyo sana’y patnubayan Mo
Loobing makarating kami sa Bayan Mo

Pa-pa-rap-pa-pap…

(Repeat Chorus)

Sana ay marapatin Mo
Ang aming handog
Haing pasasalamat sa’Yo lang Panginoon
Hiling naming at dalangin sana’y iyong dinggin
Nawa’y manatili lagi
Sa’Yo magpakailanman

Magpakailanman…
Magpakailanman

Walang hanggang awit ang alay sa’Yo
Di matapos na papuri mula sa aming puso

(Repeat Chorus upto 3rd line)

Ikaw Ama ang s’yang patnubay
Ang buhay, ang buhay, ang buhay
Na walang hanggan

Walang hanggang awit ang alay sa’Yo
(babae) na walang hanggan

Walang hanggang awit
Sa walang hanggan!

Nagpapasalamat Sa'Yo


Nagpapasalamat sa'Yo
sa kabutihan Mo
Naghahandog sa araw na ito
Pagkat ang pag-ibig Mo
Ay di naglalaho
Hanggang ngayo'y damang dama ng puso

Refrain
Sa bawat aral mong nagbibigay lakas
Sa pagi-ingat Mo at pagliligtas
Hindi sapat ibayad ang aming buhay
Kaya't maglilingkod na tunay

Chorus

Kami ngayo'y nag-aalay saYo't
nagpapasalamat
Sa mga kabutihan Mong wagas sa aming lahat
Nagpapasalamat sa'Yong mga pag-iingat
Kami'y IYong binago

Oh Dios kami ay patnubayan
Saming paninilbihan
Aming pakikibaka ay samahan
Isulat Mo saming isipan
Pawang buti lamang
Patawad Mo sa aming pagkukulang

(Repeat Refrain & Chorus)

Oh dinggin Mo ang awit
Hibik at pagsamo
Ng Bayan Mo
Ang aming dinadalangin
Mahabag Ka sa amin
At lingapin Mo
Hanggang sa kawakasan
At sa walang hanggan
Ika'y laging papupurihan

(Repeat 1st Stanza & Chorus)

Nilinis ang puso...
Kaya't salamat sa'Yo
Ama salamat sa'Yo...

Ama salamat sa'Yo!

Pagpaparangal


Chorus

Ang awitin Ka
Ay aming ligaya
Pagpupuri, pagluwalhati
Sa kaitaasan mo Ama
Sana ay tanggapin
Pagpaparangal
Naming mga hirang

Oh kay saya pagkat
kami'y kumakanta
Ng awit na handog namin sayo Ama
Awit na bago may lakip
pasasalamat sa'Yo
Aming inalay
Umaasa na kalulugdan Mo...

(Repeat Chorus)

Ang kahirapan
Ay di naging isang hadlang
Ng matutunan ang turo
Mo na nakabanalan
Kami ay nabago ng aral na galing sa'Yo
Malinis na puso
Naghahangad dyan sa piling Mo

(Repeat Chorus)

Lagi kang aalayan...
Ngalan Mo'y
papupurihan...

(Repeat Chorus 2x)

Para sa'Yo Amang banal!

Paniwalaan


Paniwalaan nyo naman
Ang aming sinasabi
Ito'y may kinalaman
Sa kaligtasan nyo
Kaya matamang pakinggan
Ito'y suriin at intindihin
Patutunguhan ay pakatiyakin
Pananampalataya nyo'y tunay nga ba?
O baka naman sampa'y bakod lang
Du wah!

Ito'y pakikibaka lamang
Na ang sandata nami'y aral
Hindi naman to salapian
Di gaya ng iba dyan
Nagpapastor-pastoran lang naman
Katwiran nama'y walang nalalaman
Magdahan-dahan naman sa paniniwalaan
Mag-ingat sa propeta bulaan

Pararap (2x)

Refrain
Sa pag-ikot ng mundo, bawat dako'y
may gulo
Kababayan mababahala ka
Didinggin mo ba ang aming payo?
O baka sa huli pagsisihan mo

Chorus

Lumalala ang paglaganap ng kasamaan
Tumitindi ang pagkagalit ng mga kalaban
Oh kaibigan kami ay maaasahang tunay
Dito sa amin aral ay dalisay
Kaya ito'y aming hinahayag sa sanlibutan
Sa Dios lahat-lahat nang karangala't kapurihan
Tinig naming sana ay pakinggan

Biblia ang batayan, ito'y aming inaayunan
Gabay sa aming pamumuhay
Dito sa Dating Daan kayo'y aming inaanyayahan
O kababayan pag-iisip ay buksan
Talagang ganyan may nasasagasaan
Pananampalataya kakabakaba
Digaya naming walang alinlangan
Pararap(2x)

(Repeat Refrain and Chorus)

Bridge
Kung ayaw at hindi mapilit
Di na siguro sa amin ang pagkukulang
Kahit naman di sampalatayanan
Kami'y maghahayag na lagi
Nang karangalan ng hari
Parap-paparap-papap!
Du wah!

(Repeat Chorus)

Coda
Alam nyo ba ang mangyayari (4x)


You can't run
You can't hide
It will find you
Struggling out in the dark
You can't escape though you may try
The beast will catch you
The devil will catch you

Friday, June 24, 2005

Pangarap ng Puso


Sa bawat araw nitong aking buhay
Mayroong pangarap na ibig makamtan
Ang laging laman ng aking dasal
Sana ako ay makapagtagumpay
Koro:
Buhay walang hanggan
Pangarap ng puso
Doo'y mapapawi lahat ng siphayo
Sa piling ng Ama
Ni Hesus kong kasuyo
Duon ang ligaya'y hindi maglalaho
Kapag dumarating ang mga pagsubok
At itong dibdib ay, parang dinudurog
Ang alaala koy, si Hesus na irog
Di magpapabaya sa kanyang mga lingkod
(Repeat Koro)
Bridge:
Bayang banal mararating, Dios Ama'y makakapiling
Pangarap ko ay kakamtin
Sa tulong ni Hesus kong giliw
Magwawakas... Itong panimdim...
(Repeat Koro)
Makakamtan ang pangarap ng puso...